11 Bagong Kaso Ng COVID-19 Naitala Sa Camarines Sur

    0
    20

    Iriga City — 11 bagong kaso ang naitala sa lalawigan ng Camarines Sur sa nakalipas na 24 na oras, ayon sa pinalabas na report na Edmero-Camsur. Ayon sa ulat nagmula ang nabanggit na kaso sa bayan ng Pili-2, tig-isa sa bayan ng San Fernando, Magarao, Baao, Nabua, Minalabac at Camaligan, samantalang dalawa rin ang naitala dito sa lungsod ng Iriga.

    Sa panayam ng Radyo Ronda kay Mayor Jeff Besinio ng Baao, kanyang sinabi na ang bagong isang kaso sa kanyang bayan ay isang 66 years old na lalaki, mula sa brgy San Roque na binansagan si Bicol patient # 1675.

    Inaalam pa ng mga autoridad ang kanyang exposure at kasalukuyang naka-isolate sa quarantine facility ng Cam. Sur matapos na magpakita ng sintomas noong September 10, samantalang patuloy na ang contact tracing na ginagawa ng IMT sa nabanggit na bayan. Sa bayan naman ng Nabua, patuloy na ring ginagawa ang contact tracing ng MDRRMO ng bayan sa mga posibleng nagin close contact ng biktima. Siyay isang nurse na 28 years old na babae na mula sa barangay La Purisima at nagkaroon ng close contact sa dalawang pasyente na nauna ng nagkaroon ng covid 19, sila ay sina Bicol patient # 1585 at # 1586.

    Samantala, wala pang pinapalabas na update ang lungsod ng Iriga tungkol sa dalawang bagong kaso na nagmula sa Brgy. San Roque na sinda Bicol patient # 1656 na isang assistant physician at si Bicol patient # na isang 46 years old na babae mula rin sa Brgy. San Roque at patuloy pang inaalam ang kanilang history of exposure at contact tracing ng incident management team-IMT. (OIC Melvin Barayoga, RPN DZKI Iriga)

     

    (Source: Interview with Mayor Jeff Besenio)

    Leave a Reply