1,000 pulis na sangkot sa drug trade target ngayon ng PNP

0
57

Mahigpit na mino-monitor ngayon ng Philippine National Police o PNP ang nasa isanlibong (1,000) pulis na sangkot sa kalakaran ng iligal na droga.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, kumikilos na ang kanyang mga tauhan para matukoy at pananagutin ang mga naturang pulis.

Batay sa datos ng PNP Counter Intelligence Task Force, aabot na sa 87 tiwaling pulis ang naaresto nila simula February 3, 2017 hanggang July 31, 2018.

Habang sa pagtala naman ng PNP Internal Affairs Service, aabot na sa 69 na police personnel ang nasampahan ng kasong administratibo at 56 na ang nasibak sa serbisyo.

—-