31 C
Manila
Sunday, April 28, 2024

1 preso kada araw namamatay sa Bilibid — hosp chief

- Advertisement -

Namamatay ang isang preso kada araw sa New Bilibid Prison (NBP) bunsod ng kakulangan sa doktor at mga medical facilities.

Ayon kay NBP Hospital Chief Henry Fabro, ang mga sakit na kadalasang nakukuha ng mga bilanggo ay mga sakit na madaling maipasa katulad na lamang ng tuberculosis.

Aniya, isang dahilan rin ng pagkakasawi ng mga inmates ang sobrang siksikan ng mga ito sa loob ng piitan.

Batay naman sa tala ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), tinatayang aabot sa mahigit 300 hanggang 800 preso ang namamatay sa kanilang pasilidad kada taon dahil sa jail congestion.

Samantala, tatalakayin na ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno sa 3rd Asian Conference and Pacific Conference on Prison Health, ang pagtugon sa problema ng bansa sa mga bilangguan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -