28.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

1 patay sa malakas na pagbuhos ng ulan sa Metro Manila

- Advertisement -

Isa ang napaulat na namatay kasunod ng malakas na pagbuhos ng ulan sa Metro Manila kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Station 2 ng Quezon City Police District, natagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa Dario River sa Barangay Damayan.

Pinaniniwalaang nalunod ang biktima at nakita na lamang ang katawan nito  matapos na humupa ang baha sa lugar.

Samantala, apat naman ang sugatan matapos na bumigay ang pader sa isang ginagawang gusali sa Bicutan, Parañaque.

Dahil umano sa magdamag na ulan kaya ito natibag at nadaganan ang mga biktima na pawang mga tindero na nakapwesto sa gilid ng pader.

Dalawang iba pa ang nasugatan matapos namang bumigay ang pader ng Tala Hospital sa Caloocan dahil pa  rin sa malakas na pag ulan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -