Zamboanga nagpasaklolo na dahil sa matinding kakulangan ng bigas

0
38

Nagpapasaklolo ang Zamboanga City sa pamahalaan sa harap ng matinding kakapusan ng bigas sa kanilang syudad.

Ayon kay Mayor Maria Isabelle Climaco, isinailalim na nila sa state of calamity ang Zamboanga City matapos pumalo sa 56 hanggang 76 pesos ang presyo ng isang kilo ng bigas.

Mangangailangan aniya sila ng 180,000 sako ng bigas para sa tatlong buwang buffer stock subalit nasa 40,000 sako lamang ang dumating sa kanilang syudad.

Sinabi ni Climaco na batay sa nakuha niyang impormasyon, dalawang permit para makapag-import ng bigas ang naibagay sa Zamboanga City.

Umapela si Climaco sa pamahalaan na tiyaking mapupunta sa kanilang syudad ang mga inangkat na bigas at hindi mada-divert sa ibang lugar.

“Hiniling po namin mismo sa mga supplier ng bigas kung puwedeng maibenta dito at maipadala sa Zamboanga City para hindi ma-divert sa ibang parte ng Pilipinas, kasi po ang nangyayari dahil sa sunog doon sa Jolo, nakulangan din sila ng bigas hindi na po nakakarating sa Zamboanga ang bigas, nako-corner po kasi sa Basilan at Jolo Sulu, ang isa pang reason ang aming lungsod ay 13% rice producer only kaya dependent po kami sa ibang mga lugar.” Pahayag ni Climaco


  (Ratsada Balita Interview)