35.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Umano’y pagbebenta ng baril ng AFP sa Maute papaimbestigahan

- Advertisement -

Isusulong ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano na imbestigahan ng Kamara ang di umano’y pagbebenta ng baril at bala ng AFP o Armed Forces of the Philippines sa mga teroristang Maute.

Ginawa ni Alejano ang pahayag kasunod ng pagkakahuli ng mag-asawang gun runner na sinasabing nagsu-uplay ng mga baril na may tatak ng AFP sa Maute group.

Ayon kay Alejano, maghahain sya ng resolusyon para agad na maimbestigahan ang naturang usapin.

Aniya, matagal nang problema ang ganitong gawain sa militar at napapanahon na para tuldukan ang ganitong uri ng korupsyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -