30 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

2 suspek sa pag-massacre sa isang pamilya sa Cagayan arestado

- Advertisement -

Arestado na ang dalawang suspek sa pag-masaccre sa isang pamilya sa Gonzaga, Cagayan.

Kinilala ng PNP Gonzaga ang mga suspek na si Samy Oandasan 41-anyos at Sam Oandasan 28-anyos na kapwa residente ng Brgy. Ipil sa nasabing bayan.

Ang naturang mga suspek ang itinuro ng saksi na siyang nasa likod ng pagpatay sa anim na miyembro ng pamilya noong Disyembre 14.

Patay sa naging krimen ang mag-asawang Dizon at Sany Oandasan, kanilang tatlong anak at isa pang kinilala lamang na si Juanito Soliva.

Nakaligtas naman ang tatlong taong gulang na anak ng mag-asawa at kasalukuyan pang nagpapagaling sa ospital.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -