Travel tax discount para sa mga senior citizens at PWDs lusot na sa huling pagbasa ng Kamara

by Powered by DWIZ
0 comment
Travel tax discount para sa mga senior citizens at PWDs lusot na sa huling pagbasa ng Kamara

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang House Bill 8884 na layong magbigay ng travel tax discount sa mga senior citizens at PWDs o Persons With Disabilities.

Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng 20 porsiyentong diskuwento sa travel tax ang mga first class at economy class passengeres na senior citizens at PWDs.

Libre naman ang travel tax ng mga kinatawan ng eskuwelahan sa international sports tournament at academic competition.

Samantala, gagawin na ring travel tax free ang mga kinatawan ng bansa sa mga international beauty pageant.

Related Posts