Thursday, May 2, 2024

Transport group nagpasalamat sa inaprubahang P2 dagdag sa jeepney fare

- Advertisement -

Nagpasalamat ang mga transport group sa inaprubahang P2 dagdag na pasahe sa jeepney.

Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Fejodap President Zenaida Maranan na malaking tulong ang P10 minimum fare sa jeep para may kitain naman sa pamamasada ang kanilang mga tsuper sa harap ng patuloy na  pagtaas ng mga produktong petrolyo.

“Nagpapasalamat kami sa LTFRB, kay Chairman Delgra, Atty. Lizada at Board Member Corpuz para dito pati sa NEDA na pumapayag naman po sila eh masaya na po ang ating mga tsuper medyo lumuwag na po yung isip naming.” Pahayag ni Maranan.

Dahil dito, ibinalita ni Maranan na kanila na ring iniaatras ang banta nilang malawakang tigil pasada.

“Wala na po kasi ipinagkaloob na po eh napaka-ingrato naman po namin tinulungan ka na nga binigyan ka na. Bakit tayo gagawa ng gulo eh hindi naman natin gusto guluhin ang ating bayan.” Ani Maranan.

(Interview from BNSP)
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img