29.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Tamang Oras sa Opisina, Iginiit ng isang Mayor sa Camarines Sur

- Advertisement -

NABUA, CAMSUR, Iginiit ngayon ni Mayor Fernando Simbulan sa lahat ng kawani ng local na pamahalaan sa kanyang bayan na pumasok sa tamang oras sa kanilang trabaho.

Ito ang kanyang ginawang kautusan sa linguhang flag raising ceremony sa harap ng mahigit 300 mga kawani ng Nabua, Camarines Sur makaraang makarating sa kanyang tanggapan ang sumbong ng ilang mamamayan na lampas na sa takdang oras kung pumasok sa opisina ang ibang head of office.

Ayon sa alcalde, nalulugi dito ang pamahalaan at mamamayan kung kayat kailangan na itong matuldukan.

Sa umaga kailangan silang pumasok ng alas 8:00 nin umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali at pagka-hapon ala 1:00 nin hapon hanggang alas 5:00 nin hapon.

Ang sino mang di susunod sa kautusan ng alcalde ay maaaring makasuhan, ayon sa kautusan ng civil service commission.

Ginawa ng alcalde an kautusan alinsunod na rin sa ginawang son ani Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan gawin ng mga kawani ng pamahalaan ang kanilang tamang tungkulin sa mamamayan at di kailangan naaantalaan ang pagbibigay ng kanilang serbisyo sa bayan.

M. Barayoga

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -