Surigao: Pahayag ng Police Regional Office 13 hinggil sa pagkasunog ng dalawang truck na pag-aari ng Primevibe Corporation sa Sumilihon, Butuan city na isinagawa ng komunista at teroristang grupo

0
0

Inihahanda na ng kapulisan ng Butuan City Police Office ang kasong isasampa laban sa mga kinilalang miyembro ng Komunista at Teroristang Grupo ng Guerilla Front 21-C ng Northeastern Mindanao Regional Committee na nasa likod ng ginawang karahasan sa Sumilihon, Butuan City kagabi, July 31, na nagresulta sa pagkasunog at pagkasira ng ten-wheeler at six-wheeler trucks na pag-aari ng Primevibe Corporation.

Visit RPN DXKS Surigao

Titiyakin ng pamunuan ng Police Regional Office 13 na haharap sa ilalim ng batas at mapaparusahan ang mga salarin na nasa likod ng insidenting ito.

Ang karahasang ito na isinagawa ng rebeldeng grupo ay isang desperadong hakbang upang takutin ang mga negosyante at mga tao. Lalo na ngayon na iilan na lamang silang natitira, pagkatapos ng malawakang pagsuko ng kanilang mga miyembro at taga-suporta at pagka-aresto ng karamihan sa kanila.

Ipinapakita lamang ng rebeldeng grupo ang kanilang totoong mukha na walang respeto sa karapatang pantao at hindi nagpapahalaga sa pinaghirapang pag-aari ng mamamayan.

Sa pagkakaisa ng kapulisan, kasundaluhan, at mamamayan, hindi magtatagumpay ang rebeldeng grupo sa paghasik ng kasamaan sa ating rehiyon.

Sama-sama nating supilin ang teroristang grupo! Sama-sama nating labanan ang terorismo!

(Source: PRO13 Caraga PULIS PIO Facebook page)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here