Spain nasungkit ang kampeonato sa 2019 FIBA World Cup

Spain nasungkit ang kampeonato sa 2019 FIBA World Cup

by Powered by DWIZ
0 comment 46 views

Nasungkit muli ng Spain ang kampeonato sa FIBA Basketball World Cup matapos ang 13 taon.

Kasunod na rin ito nang pagpapataob ng Spain sa Argentina matapos maging agresibo at hindi na bumitaw sa kanilang lamang tungo sa final score na 95-75.

Matibay din ang naging depensa ng koponan laban sa 2004 olympic champions na kalaban.

Ang point guard na si Ricky Rubio ay nakapagtala ng 20 points at 3 assists at itinanghal na Most Valuable Player.

0 comment

Related Posts