Singil sa kuryente tataas ngayong Hulyo

0
62

Tataas na naman ang singil sa kuryente ngayong Hulyo.

Ayon sa Meralco, makikita na sa July billing ang ang dagdag na P0.31 kada kilowatt hour na konsumo ng kuryente.

Ang dagdag singil sa kuryente ay bunga umano ng mas mataas na presyo sa spot market at mga suppliers gayundin ang paghina ng piso kontra dolyar.

Dahil dito, ang mga kumukonsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan ay magbabayad ng dagdag na mahigit animnapu’t dalawang piso (P62), halos syamnapu’t apat na piso (P94) kung ang konsumo ay nasa 300 kilowatt hour at mahigit isandaan at dalawampu’t limang piso (P125) sa mga kumukonsumo ng 400 kilowatt hour kada buwan.

—-