Nationwide Nga Pag-Patuman Sa Suggested Retail Price Alang Sa Mga Bugas, Ipatuman Karon Sa Nfa Sa Probinsiya Sa Surigao Del Norte
November 9, 2018
Kalit Nga Way Kuryente Miigo Sa Mindanao
November 9, 2018
Show all

Senator Honasan tinanggap na ang alok na DICT post

Opisyal nang tinanggap ni Senator Gringo Honasan ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na pamunuan niya ang Department of Information and Communications Technology o DICT.

Kinumpirma mismo ito ng senador sa isang text message na ipinadala sa media.

“For a better Philippines, a better government, for the Filipino People, and for a better future for our most precious children; I have decided to accept the offer of the President to help lead the DICT.”

Ayon sa senador magiging awtomatiko ang kanyang resignation sa Senado oras na makumpirma siya ng Commission on Appointments (CA) at pormal na makapanumpa na sa puwesto.

Una rito ay kinumpirma ni Pangulong Duterte na hinimok niya si Honasan na samahan siya para sa pagpapabuti ng pamahalaan at pagpapaganda ng Pilipinas.

Si Honasan na ang ikalawang miyembro ng Senado na iniwan ang posisyon upang mapabilang sa gabinete ni Pangulong Duterte.

Nauna na si dating Senador Alan Peter Cayetano na ngayo’y kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA)

(Ulat ni Cely Ortega-Bueno)

 

 

 

Comments are closed.