Sen. Grace Poe tiwalang dadalo sina Sec. Tugade at MMDA Chair Lim sa susunod na pagdinig

by Powered by DWIZ
0 comment
Sen. Grace Poe tiwalang dadalo sina Sec. Tugade at MMDA Chair Lim sa susunod na pagdinig

Tiwala si Senador Grace Poe na dadalo na sa susunod na pagdinig sa isyu ng trapiko sina Transportation Secretary Arthur Tugade at MMDA Chairman Danilo Lim.

Ayon kay Poe, chair ng Senate Committee on Public Services, hinihintay ng publiko ang paliwanag at plano mismo nina Tugade at Lim para maibsan ang matinding trapiko partikular sa EDSA.

Ayaw na aniya nilang daanin sa subpoena para mapaharap sa senate hearing sina Tugade at Lim dahil batid niyang kapwa may malasakit ang dalawang opisyal  sa mga Pilipino.

Una nang nadismaya si Poe sa hindi pagdating ni Lim sa pagdinig kanina ng komite bagamat una nang nag kumpirmang darating ito.

Related Posts