Thursday, May 2, 2024

Resulta ng imbestigasyon hinggil sa ma-anumalyang GCTA law hinahanda na ng Office of the Ombudsman

- Advertisement -

Nakatakdang ilabas ng Office of the Ombudsman dalawang (2) linggo mula ngayon ang resulta ng isinagawa nilang imbestigasyon hinggil sa kuwestiyunableng implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, kumpiyansa silang matatapos nila ang imbestigasyon sa una o ikalawang linggo ng Oktubre.

Aniya, sa ngayon ay patuloy pa rin silang kumakalap ng impormasyon hinggil sa paglaya ng halos 2,000 bilanggo sa bisa ng GCTA law.

Dagdag pa ni Martires, pinag-aaralan rin nila ang posibleng pananagutan ni dating BuCor Chief Nicanor Faeldon sa muntik na paglaya ng convicted rapist at murderer na si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.

Una rito, umabot naman sa 30 BuCor personnel ang sinuspinde ng Ombudsman hinggil sa anomalya sa GCTA law.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img