DFA kumikilos na para ligtas na mapalaya ang 3 dinukot na pinoy sa LIBYA
August 3, 2018
Milyones nausik sa mga streetlights matud sa usa ka konsehal
August 3, 2018
Show all

DXDX GenSan
Regional Director ng PRO12 pinaalalahanan ang pulisya sa rehiyon 12

Umiwas sa iligal na gawain, ito ang paalala ni Pol. Chief Supt. Marcelo C. Morales sa lahat ng kanyang nasasakupan sa Rehiyon 12 na lumayo sa illegal na gawain na maaring ikasama sa imahe ng pulisya kasunod ng naging sagupaan sa pagitan ng parehong kasapin ng pulisya na pinaniniwalaang sangkot sa kidnap for ransom na nangyari sa Tandem Street, Arca Southwest Bicutan, Taguig kung saan ikinasawi ng isa sa mga suspek na parehong aktibo pa sa serbisyo.

Inihayag ng opisyal na tapos na siyang nagpaalala sa kanyang nasasakupan bago pa nangyari ang sagupaan sa Taguig kung saan inulit niya lang ang pagpapaalala dahil may mga tiwaling pulis ang nasa mataas ng posisyon ang maaaring sangkot sa iligal na gawain, ngunit hindi umano nito nilalahat dahil walang kinalaman ang organisasyon sa mga tiwaling pulis na umaabuso sa serbisyo.

Ayon pa, dahan-dahan na nilang binabago ang kanilang imahe at unti-unti na ring bumabalik ang pagtitwala ng komunidad sa kanila dahil sa pagpapalakas ng police-community relations ng ahensya. Dagdag pa kailangan nila ang komunidad upang mapagtagumpayan ang kanilang misyon at hangarin dahil isa ang komunidad na nakapag-ambag ng importansya sa kanilang mga nakuhang pagkilala. Ang walang humpay na suporta ng komunidad at patuloy na pakikipag-ugnayan ay isang malaking kontribusyon laban sa pagsugpo ng iligal na droga.

Kung saan ang komunidad ay may malaking maiaambag na kooperasyon at pakipagtutulungan sa pulisya upang mapanatili ang peace and order sa rehiyon, bagaman hindi lang nakatuon ang kanyang pamumuno sa kriminalidad at pagsugpo sa iligal na droga kasali din rito ang pagdidisiplina sa mga tiwaling pulis na umaabuso sa kanilang tungkulin bilang bahagi ng kanilang internal cleansing program at patuloy na pagmonitor sa mga opisyal na bigong maipatupad ang kanilang disciplinary guidelines lalong-lalo na sa mga sinusubukang ilihim ang kanilang katiwalian.

Nanawagan ang Regional Director sa komunidad na ipagpatuloy ang pagsuporta at ireport ang anumang kahinahinalang maling gawin ng mga miyembro ng awtoridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *