Ramon Tulfo kinasuhan ng libel ni Medialdea sa ikatlong pagkakataon

by Powered by DWIZ
0 comment
Ramon Tulfo kinasuhan ng libel ni Medialdea sa ikatlong pagkakataon

Kinasuhan ng libel sa ikatlong pagkakataon ni Executive Secretary Salvador Medialdea si Special Envoy to China Ramon Tulfo.

Ayon kay Atty. Elvis Balayan, abogado ni Medialdea, ang ikatlong libel case laban kay Tulfo ay isinampa nila sa Manila Prosecutors Office.

Nag ugat ang nasabing kaso sa inilabas na column ni Tulfo noong July 25 kung saan inihayag itong hinaharang ng kalihim ang pagpapalabas ng 272 million pesos na reward sa government informant na si Felecito Mejorado.

Sinundan pa ito ni Tulfo ng isa pang artikulo laban kay Medialdea nitong nakalipas na August 1.

Si Medialdea ay humihingi ng 80 million pesos na moral damage kay Tulfo at sa iba pang respondents ng kaso.

Related Posts