Provision of authority para sa mga bagong bus hiniling sa LTFRB

Provision of authority para sa mga bagong bus hiniling sa LTFRB

by Powered by DWIZ
0 comment 49 views

Hiniling ng isang kongresista sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maglabas ng provision of authority para sa mga bagong bus.

Ayon kay Quezon City 2nd District Representative Precious Hipolito Castelo, ito ay para sa mga bagong bus na dadaan sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Aniya, marami siyang natatanggap na reklamo mula sa mga pasahero na nag-aabang ng bus sa lugar.

Karamihan sa mga pasahero ay stranded sa lalo na tuwing rush hour dahil sa kakulangan ng mga pampasaherong bus.

Dagdag pa ng kongresista, makatutulong kung magdadagdag pa ng bus para maiwasan ang pagiging stranded ng napakaraming pasahero sa lugar.

0 comment

Related Posts