Panukalang 2019 national budget bigong maipasa ng Kamara sa itinakdang deadline
October 11, 2018
Pinalawak na Anti-sexual Harassment Bill lusot na sa 2nd reading ng Kamara
October 11, 2018

Police official na nasa bagong ‘drug matrix’ matagal na-relieve sa pwesto

Police official na nasa bagong ‘drug matrix’ matagal na-relieve sa pwesto

Na-relieve na nuon pang buwan ng Agosto ang isang police officer na pasok sa bagong “drug matrix” ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Philippine National Police (PNP)-Bicol Spokesman Chief Supt Maria Luisa Calubaquib, Agosto 20 pa nang alisin nila sa pwesto si Police Supt. Lorenzo Bacia, dating hepe ng Ligao City bilang bahagi ng hakbang ng gobyerno na alisin ang mga tauhan na dawit sa illegal drugs.

Si Bacia aniya ay nasa Camp Crame na at pinalitan na ni Police Supt. El Cid Roldan.

Tiniyak ni Calubaquib na tuluy tuloy ang internal cleansing sa PNP para walisin ang mga pasaway na opisyal.

Comments are closed.