Pangulong Duterte walang schedule ngayong araw na pagsisimula ng kampanya

by Powered by DWIZ
0 comment
Pangulong Duterte walang schedule ngayong araw na pagsisimula ng kampanya

Walang naka-schedule na anumang event si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw, kasabay ng pagsisimula ng 90 araw na panahon ng kampanya para sa senador at party list sa 2019 midterm elections.

Ayon kay Undersecretary Feducia Mia Reyes Lucas, Media Accreditation and Relations Office ng Malakanyang, nasa kanyang “private time” lamang ang pangulo.

Ngayong unang araw ng kampanya, no show o hindi sumipot si Pangulong Duterte sa proclamation rally ng HNP o Hugpong ng Pagbabago, ang partidong ginawa ng kanyang anak na si Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Duterte-Carpio na naiintindihan nila ang hindi pagsama ng pangulo sa kanilang pangangampanya.

Marami aniyang mas mahalagang gawain ang pangulo lalu’t nahaharap sa napakaraming problema ang bansa.

Related Posts