Palasyo pinaalalahanan ang mga dayuhan na igalang at sundin ang mga ordinansa sa bansa

by Powered by DWIZ
0 comment
Palasyo pinaalalahanan ang mga dayuhan na igalang at sundin ang mga ordinansa sa bansa

Pinaalalahanan ng Malacañang ang mga dayuhan na igalang at sundin ang mga ipinapatupad na ordinansa sa bansa.

Ito ay kaugnay ng ginawang pananaboy ng taho ng isang Chinese national sa isang police officer matapos itong hindi papasukin sa MRT Boni Station nang dala ang taho.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi pahihintulutan ng pamahalaan ang sinumang dayuhan na labagin ang mga ipinatutupad na batas sa bansa.

Dagdag pa ni Panelo, hindi rin mag dadalawang isip ang pamahalaan na i-padeport ang sinumang foreign nationals na lalabag sa mga ipinatutupad na batas.

Samantala, pinag hihinay-hinay naman ni Panelo ang mga opisyal ng gobyerno sa pagbibigay ng komento hinggil sa nangyaring insidente.

Related Posts