33.2 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Palasyo patuloy parin ang pasasalamat sa kabila ng naging resulta ng SWS survey

- Advertisement -

Pinasalamatan ng Malacañang ang mga Pilipino sa patuloy na pagtitiwala kay Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng mga kinakaharap na problema ng bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, maluwag na tinatanggap ng palasyo ang resulta ng 2nd quarter survey ng Social Weather Station at makatitiyak aniya ang publiko na mananatiling naka-pokus ang pangulo sa kanyang mga sinumpaang tungkulin sa bayan.

Kabilang aniya sa mga tinututukan ng pamahalaan ay ang matugunan ang pangangailangan ng mga kapus-palad at ang kagutumang nararanasan ng mga mahihirap na pamilya.

Base sa Social Weather Stations Survey, nananatiling “very good” ang net trust rating ni Pangulong Duterte na nakakuha ng plus-57 noong buwan ng Hunyo.

Bumaba umano ito ng walong puntos mula sa plus-65 noong Marso 2018 na resulta ng walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -