Monday, May 6, 2024

Inciting to sedition case vs. Trillanes ikinakasa na

- Advertisement -

Ikinakasa na ang panibagong kasong isasampa laban kay Sen. Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Labor Undersecretary Jacinto Paras, sa susunod na linggo na nila isusumite sa korte ang kasong inciting to sedition o inciting to coup d’etat laban sa naturang mambabatas.

Kasunod ito ng napipintong pag-aresto kay Trillanes matapos na ipawalang-bisa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang amnesty.

Nag-ugat aniya ang panibagong kaso ng senador sa kanyang mga pahayag sa media na hinihikayat ang mga sundalo na mag-aklas laban sa gobyerno, at ang pagtawag nito sa pangulo na ‘insane’ o wala sa tamang pag-iisip.

Bilang isa aniyang Pilipino na nanunungkulan sa bayan, kailangan niyang manindigan laban sa isang tao na binabastos ang gobyerno at ang punong ehekutibo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img