36.1 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Palasyo nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni national artist Bobby Mañosa

- Advertisement -

Nagpaabot ng pakikiramay ang Malacañang sa mga naulila ng national artist for architecture na si Francisco “Bobby” Mañosa.

Pumanaw si Mañosa sa edad na otsenta’y otso (88) kahapon.

Si Mañosa ay ginawaran ng Order of National Artist sa larangan ng arkitektura ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang taon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, inialay ni Mañosa ang kaniyang buhay sa pagsusulong ng indigenous materials sa kanyang mga likha.

Mananatili aniyang buhay ang mga legasiyang iniwan ni Mañosa.

Kabilang sa mga iconic na likha ni Mañosa ang Coconut Palace na ginagamit ngayong opisina para sa mga nagiging Pangalawang Pangulo ng bansa.

—-

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -