Travel tax discount para sa mga senior citizens at PWDs lusot na sa huling pagbasa ng Kamara
February 12, 2019
Pangulong Duterte iginiit na walang magagawa sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo
February 12, 2019
Show all

Pagpapalit ng pangalan ng Pilipinas posibleng ikunsidera ni Pangulong Duterte

Maaaring ikunsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte “balang-araw” ang pagpapalit ng pangalan ng Pilipinas.

Sa kanyang talumpati sa pamahahagi ng certificates of land ownership award sa Buluan, Maguindanao, aminado si Pangulong Duterte na hindi malayong gamitin niya ang “maharlika” bilang kapalit sa pangalan ng bansa.

Ayon sa punong ehekutibo, mas akma ang “maharlika”  dahil nananalaytay ang dugong  “malay” sa mayorya ng mga Pilipino.

“Philippines because it was discovered by Ferdinand Magellan using the money of King Philip kaya pagdating, ginawa nang “PHILIPpine”, pero okay na yan. Balang araw, palitan natin. Actually, tama si Marcos. Gusto niyang palitan ng “Maharlika”, “Republic of Maharlika”, because “Maharlika” is a malay word and it means serenity.”

Kung hindi anya dahil sa pananakop ng mga espanyol ay maaaring may kapayapaan sa bansa at walang hidwaan ng mga Kristyano at Muslim lalo sa Mindanao.

“Eh di sana pumunta kayo doon at pinatay ninyo ang mga kastila. Sila yung nagdala ng kanyon, ng baril. Okay lang yang rehiyon kung sino ang maniwala. Sila yung pumunta dito ng hindi naman nila lupa kaya naglagot si Lapu-Lapu, pinagtataga yung mga g****g… dapat sa kanila yon. Bakit siya punta punta rito? Hindi naman namin kasalanan yan, eh dumating yung mga p****g ****g yon, pinagpapapatay kami eh walang magawa eh. So for over 400 years, nawala talaga yung pagka-malay natin.”

Comments are closed.