Pagbuwag ng illegal structures sa Bilibid daan para mapaigting ang pagbabawal ng pagpasok ng mga kontrabando — Eleazar

Pagbuwag ng illegal structures sa Bilibid daan para mapaigting ang pagbabawal ng pagpasok ng mga kontrabando — Eleazar

by Powered by DWIZ
0 comment 28 views

Tinawag na ‘Oplan Pulverize’ ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag ang sinimulang paggiba sa mga kubol sa New Bilibid Prison (NBP), kahapon.

Ayon kay NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar, inaasahan ng BuCor na kapag nawala ang mga iligal na istruktura sa Bilibid ay mas madaling maipapatupad ang pagbabawal ng pagpasok ng mga kontrabando kabilang na ang mga deadly weapons, droga, maging ng ‘cash’ o pera.

Paliwanag ni Eleazar, kung mapipigilan ang pagpasok ng pera sa loob ng piitan ay maiiwasan ang pagbibigay ng suhol na maaaring pagsimulan ng korapsiyon at iligal na aktibidad.

Inaasahan ng pamunuan ng BuCor na, ‘pag mawawala itong mga illegal structures, mas madaling i-implement ngayon ‘yung pagbabawal na pagpasok ng mga contraband, kasama na do’n ‘yung mga deadly weapons, mga droga, pati na rin ng cash, (…) maiiwasan ngayon itong pagbibigay ng suhol na magsisimula ng korupsiyon at pagsisimulan ng kung anu-anong mga kalokohan,” ani Eleazar. — sa panayam ng Balitang Todong Lakas

0 comment

Related Posts