P8.2-B pondo para sa Office of the President lusot na sa Senate panel

P8.2-B pondo para sa Office of the President lusot na sa Senate panel

by Powered by DWIZ
0 comment 15 views

Tinapos kaagad ng Senate finance subcommittee ang kanilang pagdinig kaugnay sa P8.2-billion panukalang pondo para sa taong 2020 na nakalaan para sa Office of the President.

Pinangunahan ni senador at dating Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go ang pagdinig ng naturang komite kung saan wala pang 10-minuto ay lumusot na sa kanila ang panukalang pondo.

Kabilang din sa mga dumalo sa pagdinig sina Senador Francis Tolentino at Senador Ronald Dela Rosa.

Iprinisinta naman ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang P8.2-billion na panukalang pondo para sa Tanggapan ng Pangulo, 21 percent itong mas mataas kumpara sa nakaraang taong pondo na P6.8-billion lamang.

0 comment

Related Posts