Number 2 Man ng MAUTE-ISIS patay sa operation ng Kapulisan at Sundalo sa Gensan

0
100

Patay sa isinagawang operation ng kapulisan at sundalo ang kinokonsiderang Number 2 Man ng Maute-ISIS Group pasado alas 2 ng madaling araw kanina sa Zone 3, Block 6  Barangay Fatima General Santos City. Samantala sugatan ang isa.ng pulis na nakilalang si PO3 Jerry Feo na  naka base sa Regional Mobile Force Batallion -12,kung saan  unang pinaputukan ng suspek.

Ayon kay Police Chief Superintendent Marcelo Morales Regional Director ng Police Regional Office -12 na ang target ay kinilalang si Najib Calimba Pundug  Alias Najib Hussein,na kanilang tinitingnan ang posibleng plano ng grupo ang diversionary tactics pagkatapos na nakarekober ang mga IED components ng mga otoridad. Ayon pa kay Morales si Pundug ang isang nakatakas sa isinagawang operation sa syudad ng Marawi kung saan kinukunsedirang bomb maker, ito umano ang responsible sa pag gawa ng mga bomba at kapag tapos na, agad na ihahatid ng kanilang grupo sa mga lugar na kanilang target na pasasabugin.

Sa ngayon wala pang namomonitor ang kapulisan sa posibleng pang rerecruit ng grupo ni Pundug  alyas Najib Hussein dito sa syudad pero patuloy ang kanilang ginagawang pag monitor.

Dagdag pa ni Morales kakarahapin ni Pundug ang patung patong na kaso at isa na dito ang possession of explosives. Sa ngayon nagpapatuloy pa rin ang hot pursuit operation ng mga kapulisan at militar upang mahuli ang iba pang mga kasama sa grupo.

Samantala nanawagan naman si Morales sa publiko na manatiling mahinahon at mapagmatyag at kung meron mang mga bagay o tao na kaduda duda agad na isumbong sa mga otoridad.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here