NEP 2019 nakatakdang isumite ng Palasyo sa kongreso sa susunod na linggo

NEP 2019 nakatakdang isumite ng Palasyo sa kongreso sa susunod na linggo

by Powered by DWIZ
0 comment 36 views

Nakatakda nang isumite ng Malakanyang sa kongreso ang National Expenditure Program (NEP) para sa 2019 sa susunod na linggo.

Nakapaloob sa NEP ang mahigit sa P4-T panukalang national budget para susunod na taon.

Ayon kay Cong. Isidro Ungab, agad sisimulan ng kanyang komite, ang house appropriations committee ang pagdinig sa panukalang budget sa sandaling matanggap nila ito.

Sa ilalim ng konstitusyon, obligasyon ng pangulo ng bansa na isumite sa kongreso ang panukalang national budget sa loob ng 30 araw matapos na magbukas ang regular na sesyon ng kongreso.

0 comment

Related Posts