Municipal government sa Japan nagpalabas na ng evacuation advisories dahil sa super typhoon Hagibis

Municipal government sa Japan nagpalabas na ng evacuation advisories dahil sa super typhoon Hagibis

by Powered by DWIZ
0 comment 20 views

Pinalilikas na ang libu-libong mga residente sa Japan dahil sa pangamba ng malawakang pagbaha dala ng super typhoon Hagibis na inaasahang maglalandfall sa nabanggit na bansa ngayong araw.

Ilang mga municipal government na sa Japan ang nagpalabas na ng mga evacuation advisories partikular sa bahagi ng Tokyo region na inaasahang matinding tatamaan ng bagyo.

Kaugnay nito, ilang mga aktibidad na rin sa Japan ang kinansela tulad ng dalawang laban sa rugby world cup.

Inaasahang maglaland fall sa Honshu ang bagyong Hagibis na una na ring inilagay sa violent typhoon category ng Japan Meteorological Agency na siyang pinakamataas na kategorya ng bagyo sa kanilang bansa.

Ang super typhoon hagibis na ang inaasahang pinakamalakas na bagyong tatama sa Japan sa loob ng 60 taon matapos ng pagtama ng Kanogawa typhoon noong 1958 na ikinasawi ng mahigit 1,000 tao.

0 comment

Related Posts