NDFP consultant Vic Ladlad inaresto ng mga awtoridad
November 8, 2018
NATIONAL TELECOMMUNICATIONS COMMISION (NTC) BUOT IPA-REHISTRO ANG MGA SIMCARD NGA GIGAMIT
November 8, 2018
Show all

MPD Chief Rolando Anduyan pinalitan na sa puwesto

Itinalaga na bilang bagong hepe ng Manila Police District (MPD) si Senior Superintendent Vicente Danao.

Papalitan ni Danao ang naka-leave na si Chief Superintendent Rolando Anduyan na ililipat naman bilang hepe ng Northern Police District (NPD) epektibo sa Nobyembre 17.

Si Danao ay dating na-assign sa PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at dati ring naitalaga ng Malacañang bilang commander ng National Anti-Illegal Drugs Task Force.

Matatandaang naging hepe din ng Davao City Police si Danao noong alkalde pa ng lungsod si Pangulong Rodrigo Duterte.

—-

 

 

 

Comments are closed.