33.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Mga pulis binalaan sa jueteng

- Advertisement -

Chief Police General Oscar Albayalde ang mga opisyal at tauhan ng pulisya na mahuhulihan ng illegal number game partikular na ang jueteng sa lugar na kanilang nasasakupan.

Sinabi ni Albayalde na ipatutupad ng PNP ang “one strike” policy at kapag nahulihan ng anumang illegal number game ay mananagot ang mga commanders sa ground.

Nitong Lunes, sinabi ni Albayalde na posibleng muling mamayagpag ang jueteng sa ilang lalawigan ngayong suspendido ang online gambling ng PCSO.

Ayon naman sa sources, dalawang lalawigan sa Central Luzon ang namonitor na may operasyon ng jueteng kabilang dito ang Pampanga.

Sa kasalukuyan, ayon kay PNP Chief ay wala naman silang namomonitor na mga pulis na protektor ng jueteng at sakaling may matukso ay masisibak sa puwesto.

Base sa report, ang STL ang front ng jueteng sa ilang mga lalawigan sa bansa.

 

M. Barayoga

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -