Mga high value convicts nagpapatakbo sa Bilibid — VACC

Mga high value convicts nagpapatakbo sa Bilibid — VACC

by Powered by DWIZ
0 comment 45 views

Nanindigan si Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) President Arsenio “boy” Evangelista na mga high value convicts ang nagpapatakbo ng New Bilibid Prisons (NBP) at hindi ang mga tauhan ng Bucor o Bureau of Corrections.

Ayon kay Evangelista, hindi lamang mga babae na kung tawagin ay tilapia ang nakapapasok sa piitan, mayroon ding mga kalalakihan na tinatawag namang bangus.

Naaawa na rin si Evangelista sa mga doktor sa NBP dahil tila wala naman silang ibang pagpipilian kung hindi sumunod na lamang sa mga preso. 

Naawa ako sa kanila honestly eh, nakaka-awa sila kasi wala silang option to refuse. Kaya minsan natatanggap nalang nila, kasi pag hindi mo tinanggap that means negative ka sa kanila eh. Then, you will create enemies diba? Or maging hostile ka sa kanila. Pag hindi ka nila maabot yung pamilya ng mga doctor ang aabutin. —ani Evangelista sa panayam ng Ratsada Balita

 

0 comment

Related Posts