35.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Maxine Medina at Kylie Versoza may hidwaan umano

- Advertisement -

Malaki ang paniniwala ng mga taga-hanga nina Maxine Medina at Kylie Verzosa na mayroong namamagitang hidwaan sa kanilang dalawa.

Ito’y makaraang mapansin ng kanilang mga supporters na parehong naka-unfollow ang mga ito sa kani-kanilang instagram account.

Nag-ugat ang isyu o ispekulasyon, sa facebook post ng pinsan ni Maxine na si Dianne Medina, kung saan sinabi nito sa kanyang blind item story na isa umanong artista ang nandura sa kapwa nya artista kahit wala naman aniya sa  script.

Sinabi pa ni Dianne na dapat na magpakita ng respeto ang nandurang artista.

Samantala, wala namang sagot sa isyung ito sina Maxine at Kylie.

Magugunitang, kasama si Maxine sa top 6 ng Miss Universe noong 2016 habang nasungkit naman ni Kylie ang Miss International crown sa kaparehong taon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -