Marian Rivera sobrang proud sa panganay nila ni Dingdong Dantes

by Powered by DWIZ
0 comment
Marian Rivera sobrang proud sa panganay nila ni Dingdong Dantes

Sobrang proud ang mommy actress na si Marian Rivera sa panganay na anak nila ng asawang si Dingdong Dantes na si Zia.

Sa ibinahaging larawan ni Marian sa kanyang Instagram account, sinabi ng aktres na sinopresa siya ni Zia nang gawan siya nito ng sandwich para sa almusal.

Sa caption din ng ibinahagi niyang picture ni Zia, inilahad ni Maria na sinabi sa kanya ng anak na nais nitong maging masaya siya kaya nag-aaral na itong gumaga ng almusal para sa kanya.

Sinabi naman ni Marian, sobrang namamangha siya sa pagiging maaalalahanin at katalinuhan ng anak na si Zia.

Samantala, hindi naman napigilan ng mga followers ni Marian na hangaan ang ginawa ni zia na nagpapakitang handang handa na ito sa pagiging ate.

Magugunitang, kamakailan ay isinilang ni Marian ang pangalawang anak nila ni Dingdong na si Jose Sixto Dantes IV o kanilang tinatawag na Ziggy.

—–

Related Posts