Mandaluyong posibleng isailalim sa state of calamity

by Powered by DWIZ
0 comment
Mandaluyong posibleng isailalim sa state of calamity

Pinag-aaralan na ng pamahalaang lungsod ng Mandaluyong ang pagsasailalim sa siyudad sa state of calamity bunsod ng nararanasang water shortage.

Ayon kay Mandaluyong Information Officer Jimmy Isidro, kanila na lamang hinihintay ang rekomendasyon ng mga barangay sa lungsod na matindi nang apektado ng kawalan ng suplay ng tubig.

Sinabi ni Isidro posibleng ideklara ang state of calamity ngayong araw o sa Lunes.

Ang lungsod ng Mandaluyong ang isa sa pinakamatinding naapektuhan ng kakulangan ng suplay ng tubig ng Manila Water na isinisisi naman sa pagbaba ng water level sa La Mesa dam.

Related Posts