Malakanyang binigyang diin na hindi kwalipikado si Sanchez malakaya

Malakanyang binigyang diin na hindi kwalipikado si Sanchez malakaya

by Powered by DWIZ
0 comment 32 views

Binigyang diin ng Malakanyang na hindi kuwalipikado na makinabang sa Republic Act 10592 o good conduct time allowance law si convicted rapist at murderer na si dating Calauan Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, maliwanag sa batas ng good conduct time allowance na ang mga nahatulan ng hukuman na gumawa ng karumaldumal na krimen tulad ni Sanchez ay hindi puwedeng makinabang sa binababanggit na batas.

Ayon kay Panelo suportado ng Malakanyang ang Department of Justice sa inilabas na direktiba na dapat maging maingat ang Bureau of Corrections sa mga convicted criminals na isasailalim sa ebalwasyon para makinabang sa good conduct time allowance law.

Inihayag ni Panelo na handang sundin ng executive department ang letra at espiritu ng batas kung sino ang kuwalipikado at hindi kuwalipikado sa good conduct time allowance law.

Dagdag pa ni Panelo, totoo ang sinabi ni Sen. Bong Go na nagalit ang Pangulo nang malaman ang ulat na posibleng mapalaya si Sanchez na mariin nitong tinututulan.

0 comment

Related Posts