Duterte pinulong ang kanyang gabinete matapos dumating sa Singapore para sa 33rd ASEAN Summit
November 13, 2018
Panukalang 2019 national budget tiniyak na mapapasakamay ni Duterte — Andaya
November 13, 2018
Show all

Major Gen. Neri itinalaga ni Duterte bilang bagong ISAFP commander

Itinalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte si Major General Erwin Bernard Neri bilang bagong commander ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP).

Bago ang nasabing appointment si Neri, dating pinuno ng task force Davao ay deputy ni Lt. General Macairog Alberto na nagsilbing ISAFP chief bago itinalaga ng pangulo bilang commanding general ng Philippine Army.

Matapos maupong army chief noong Oktubre 15 pinamunuan ni Neri ang ISAFP sa kaniyang acting capacity.

Si Neri na miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) class 88 ay nagsilbi ring commander ng 101st Brigade sa Compostella Valley bago ito itinalagang deputy ISAFP commander.

Itinakda naman sa linggong ito ang pormal turn over kay Neri bilang bagong ISAFP chief.

Comments are closed.