35.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Lacson hindi sang-ayon sa panawagan ng ilang mambabatas na magbitiw sa puwesto si Sec. Diokno

- Advertisement -

Hindi sang-ayon si Senator Panfilo Lacson sa panawagan ng ilang miyembro ng kamara na magbitiw na sa puwesto si Department of Budget and Management Sec. Benjamin Diokno.

Ayon kay Lacson, tila gawa-gawa lamang ang mga alegasyon at wala pang matibay na ebidensiya na magpapatunay sa mga akusasyon laban kay Diokno.

Ngunit, nilinaw naman ni Lacson na pabor siyang maimbestigahan ng Kongreso ang alegasyon na ito.

Paliwanag pa ni Lascon, maaring nagsisimula pa lang umalingasaw ang baho ng ‘unwarranted realignments’ sa ilalim ng General Appropriations Act.

Una rito, ibinunyag ni Lacson na nagkaroon ng tig P60 million alokasyon ang halos 300 kongresista sa isinusulong na 2019 national budget.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -