Kustodiya kay Ardot Parojinog hihilingin ng Ozamiz PNP

0
47

Hihilingin sa korte ng Ozamiz City Police ang kustodiya ng puganteng si Councilor Ricardo ‘Ardot’ Parojinog, oras na makabalik na ito ng Pilipinas mula Taiwan.

Ayon kay Ozamiz City Police Head, Chief Superintendent Jovie Espenido, nais niyang pigain si Ardot sa mga nalalaman nito na makatutulong sa kanilang imbestigasyon at pagpapalutang ng iba pang kasabwat nito sa mga iligal na gawain.

Iginiit din ni Espenido na may nakabinbin pang kaso si Ardot sa Ozamiz City regional trial court na kinakailangan nitong harapin.

Tiniyak naman ni Espenido ang kaligtasan at mahigpit na pagbabantay kay Ardot sa loob ng himpilan ng Ozamiz City Police, bagama’t aminado siyang kilalang balwarte ng pamilya Parojinog ang lungsod.

  (Ulat ni Jaymark Dagala)