29.5 C
Manila
Wednesday, January 26, 2022

P7-M halaga ng shabu nasabat ng PDEA sa Taguig

- Advertisement -

Aabot sa pitong (7) milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa ikinasa nilang buy bust operation sa parking lot ng FTI sa Taguig City.

Habang naaresto naman ang dalawang drug suspect na kinilala bilang alyas Nor at Abdulan.

Ayon sa PDEA, nagpanggap na buyer ang isa sa kanilang agent at nang maiabot na ng dalawang suspek ang nasa isang kilong shabu, agad na ring inaresto ang mga ito.

Posible namang miyembro ang dalawa ng isang Chinese drug syndicate kung saan nagtatrabaho ang mga ito bilang drug courier.

—-

 

 

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -

SURVEY QUESTION OF THE WEEK

Kailangan bang may malawak na karanasan at mataas na pinag aralan ang mga tatakbo sa pagka Presidente at Bise Presidente? Oo o Hindi?

- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -