Kumakalat na umano’y naospital ang Pangulong Duterte pinabulaanan

by Powered by DWIZ
0 comment
Kumakalat na umano’y naospital ang Pangulong Duterte pinabulaanan

Pinabulaanan ng Malakanyang ang umano’y kumakalat sa social media na isinugod ang Pangulong Rodrigo Duterte sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

Sa pahayag ni Executive Secretary Salvador Medialdea, walang katotohanan ang mga ito at nagpapahinga lamang ang punong ehekutibo.

Itinanggi din ni dating Special Assistant to the President (SAP) at Senator-elect Bong Go ang mga kumakalat na balita kay Pangulong Duterte.

Samantala, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nasa mabuting kondisyon ang ito at nasa kanyang residential sa Malakanyang kung saan siya ay pumipirma ng mga papeles.

Matatandaang huling nagpakita sa publiko ang Pangulong Duterte sa Davao City nitong nakaraang halalan 2019.

—–

Related Posts