Kasong plunder laban kay Diokno ikinakasa na ng 2 komite sa Kamara
February 11, 2019
Halos 12,000 kaso ng HIV-AIDS naitala ng DOH
February 11, 2019
Show all

Isang bata patay sa sunog sa Quezon City

Patay ang isang apat na taong gulang na bata matapos masunog ang kanilang tinitirahan sa North Fairview, Quezon City.

Batay sa ulat ng nagsimula ang sunog dakong alas nuwebe kagabi at naideklarang fire under control pasado alas onse na ng gabi.

Walong kabahayan ang nadamay sa sunog habang nasa sampung pamilya naman ang apektado.

Sa pagtaya ng BFP o Bureau of Fire Protection aabot sa P80,000 ang halaga ng pinsala sa ari-arian ng nasabing sunog.

Comments are closed.