Isang bagyo inaasahang papasok sa PAR sa Biyernes, tatawaging bagyong ‘Perla’ — PAGASA

Isang bagyo inaasahang papasok sa PAR sa Biyernes, tatawaging bagyong ‘Perla’ — PAGASA

by Powered by DWIZ
0 comment 54 views

Nagbabadyang pumasok sa isang bagong bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyong may international name na ‘Hagibis’ sa layong 2,420 kilometro silangan ng Gitnang luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 200 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 245 kph.

Kumikilos ang bagyo pa-kanluran, hilagang kanluran sa bilis na 30 kph.

Inaasahang papasok sa loob ng PAR ang bagyo sa Biyernes na tatawagin namang ‘Perla’.

0 comment

Related Posts