33.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

35 Chinese women nailigtas sa umano’y prostitution den sa Makati

- Advertisement -

Nailigtas ng mga otoridad ang nasa 35 babaeng Chinese nationals sa isang hotel na umano’y prostitution den sa Makati Avenue, Makati City.

Ayon kay Makati Police Chief Sr. Supt. Rogelio Simon, bukod sa mga nailigtas na mga babae, naaresto naman ang 30 lalaking Chinese sa naturang lugar.

Isinagawa umano ang operasyon matapos makatanggap sila ng impormasyon mula sa hindi pinangalanang source.

Ginagawa aniya ang transaksyon online kung saan bino-book ang mga babaeng Chinese at pagdating ng customer sa hotel ay sasabihin na lamang ang numero ng babaeng nakuha sa kaniyang booking.

Karamihan umano sa mga parokyano ng mga babae ay mga lalaking Chinese nationals na nagtatrabaho sa mga Philippine Offshore Gaming Operators.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -