33.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Ilan pang petisyon para sa toll hike dedesisyunan na rin

- Advertisement -

Dedesisyunan na rin ng Toll Regulatory Board (TRB) ang ilan pang petisyon para makapagtaas ng singil sa toll.

Ayon kay Bert Suansing, Spokesman ng TRB, may nakabinbin ding petisyon para makapagtaas ng singil sa toll ang South Luzon Expressway (SLEX) at ang SCTex na mula pa noong 2011.

Sa ngayon aniya ay tuloy na ang mas mataas na singil ng toll fee sa North Luzon Expressway (NLEX) simula sa Miyerkoles, Marso 20.

Mula sa dating 45 pesos para sa class 1 o maliliit na sasakyan ay magiging 55 pesos na ang minimum na toll fee sa NLEX.

“NLEX muna ang binigyan natin ng increase base sa resolusyon na inilabas ng Toll Regulatory Board tatlong linggo na ang nakararaan, effective ‘yan sa March 20, depende ‘yan kung na-accomplish nila ang mga requirements like for example ‘yung publication na kailangan ay nasagawa nila.” Pahaayg ni Suansing

(Balitang Todong Lakas Interview)

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -