Ilan pang patay na baboy nakitang palutang-lutang sa Marikina River

Ilan pang patay na baboy nakitang palutang-lutang sa Marikina River

by Powered by DWIZ
0 comment 44 views

Ilan pang baboy ang nakitang palutang-lutang sa Marikina River, kahapon, sa kasagsagan nang pag-ulan dulot ng southwest monsoon o habagat.

Nabatid na kabilang sa mga nakitang itinapon sa Marikina River kahapon ay  isang baboy na tinatayang nasa 60 kilo samantala ang isa pa ay nasa 200 kilo.

Sinasabing may lead na ang Marikina City Government kung saan nagmula ang mga nasabing patay na alagang baboy.

0 comment

Related Posts