Ikalawang suicide bomber sa Indanan Sulu posibleng Pilipino ayon sa PNP

Ikalawang suicide bomber sa Indanan Sulu posibleng Pilipino ayon sa PNP

by Powered by DWIZ
0 comment 69 views

Malaki ang posibilidad na Pilipino rin ang 2nd suicide bomber na nasawi sa nangyaring pagsabog sa isang kampo Militar sa Indnan, Sulu kamakailan

Ito ang inihayag ng PNP o Philippine National Police makaraang makumpirma sa DNA Test na Pilipino ang unang suicide bomber na kinilalang si Normal Lasuca matapos magtugma ang DNA Sample nito sa nagpakilala niyang ina

Ayon kay PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde, hindi rin naman nila isinasantabing dayuhan ang 2nd suspek na may hawak ng bomba dahil hirap silang maikumpara ang DNA samples dahil wala ring kumukuha sa labi ng bahagi ng katawan nito

Kaya naman sinabi ng PNP Chief na lalo pa nilang paiigtingin ang pangangalap ng Intellegence Information katuwang ang Militar upang ganap na masupil ang banta ng terorismo

Magugunitang 8 ang kumpirmadong nasawi habang mahigit 20 ang sugatan sa nangyaring pagsabog na nangyari nuong Hunyo 28

 

 

 

 

0 comment

Related Posts