House speakership bet ng PDP-Laban nakatakdang isapinal ngayong araw

by Powered by DWIZ
0 comment
House speakership bet ng PDP-Laban nakatakdang isapinal ngayong araw

Nakatakdang isapinal na ang pagpili sa pambato ng PDP-Laban sa house speakership race, ngayong araw.

Ayon kay Senador Manny Pacquiao, magpupulong sila ni Pangulong Rodrigo Duterte upang talakayin ang nasabing usapin.

Posible aniyang sa Biyernes ay mai-anunsyo na ang pambato ng partido.

Magugunita aniyang nagkaroon ng pagpupulong sakanilang bahay noong Martes ng gabi kung saan napagkasunduan na mamili na ng pambato ng PDP-Laban bago siya lumipad patungong U.S. sa araw ng Sabado.

Sinabi rin ni Pacquiao na kapag nagbanggit ang pangulo ng pangalan na hindi taga PDP-Laban ay kaniyang igigiit umano na mas makakabuting miyembro ng partido.

Bukod kasi aniya na taga PDP-Laban ang pangulo ay ito rin ang partido na may pinakamalaking bilang ng miyembro sa Kamara.

Nabatid na ang mga pinagpipilian ay sina former speaker Davao Del Norte representative Pantaleon Alvarez, Marinduque representative Lord Allan Velasco at Pampanga representative Surelio Gonzales Jr.

Related Posts